Thursday, July 28, 2005

What Your Name Means

There are 16 letters in your name.Those 16 letters total to 77There are 8 vowels and 8 consonants in your name.

Your number is: 5

The characteristics of #5 are: Expansiveness, visionary, adventure, the constructive use of freedom.

The expression or destiny for #5:The number 5 Expression endows with the wonderful characteristic of multi-talents and versatility. You can do so many things well. The tone of the number 5 is constructive freedom, and in your drive to attain this freedom, you will likely be the master of adaptability and change. You are good at presenting ideas and knowing how to approach people to get what you want. Naturally, this gives you an edge in any sort of selling game and spells easy success when it comes to working with people in most jobs. Your popularity may lead you toward some form of entertainment or amusement. Whatever you do, you are clever, analytical, and a very quick thinker.

If there is too much of the 5 energy in your makeup, you may express some the negative attitudes of the number. Your restless and impatient attitude may keep you from staying with any project for too long. Sometimes you can be rather erratic and scatter yourself and your energies. You have a hard time keeping regular office hours and maintaining any sort of a routine. You tend to react strongly if you sense that your freedom of speech or action is being impaired or restricted in any way. As clever as you are, you may have a tendency to make the same mistakes over and over again because much of your response is glib reaction rather that thoughtful application. You are in a continuous state of flux brought by constantly changing interests.

Your Soul Urge number is: 3

A Soul Urge number of 3 means: With the Soul Urge number 3 your desire in life is personal expression, and generally enjoying life to its fullest. You want to participate in an active social life and enjoy a large circle of friends. You want to be in the limelight, expressing your artistic or intellectual talents. Word skills may be your thing; speaking, writing, acting, singing. In a positive sense, the 3 energy is friendly, outgoing and always very social.

You have a decidedly upbeat attitude that is rarely discouraged; a good mental and emotional balance.

The 3 Soul Urge gives intuitive insight, thus, very high creative and inspirational tendencies. The truly outstanding trait shown by the 3 Soul Urge is that of self-expression, regardless of the field of endeavor.

On the negative side, you may at times become too easygoing and too optimistic, tending to scatter forces and accomplish very little. Often, the excessive 3 energy produces non-stop talkers. Everyone has faults, but the 3 soul urge doesn't appreciate having these pointed out.

Your Inner Dream number is: 4

An Inner Dream number of 4 means: You dream of being a very solid citizen that people can depend upon. You strive for organization and predictable order. You want to be recognized as a person with a plan and the discipline to make that plan work like clockwork.

Tuesday, July 26, 2005

ano ba ang totoo???

First and foremost, sabi ni M okay na daw ang lahat-lahat; visa, medical check up at parating na sa Friday ngunit ang friday na yon naging Tuesday na naman. ngayon tinatawagan ni S si M para matiyak talaga na darating nga nagyong araw mismo para masundo sa airport pero wala man lang reply sa tawag at text nya.

Ano ba ito? nagkakalokohan ba? just tell us directly if there's any problem para makagawa kami kaagad ng another alternative, para makakuha ng ibang maid. 17 more days to go at manganganak na ako. inasikaso namin ang pagkuha ng maid more than 2 months ago pa para we have enough time kaso ano bang ginagawa nila sa amin?

Dapat kausapin na namin talaga si M ng masinsinan kung ano ba talaga ang totoo...

Ang hirap ng ganito ...

Nakakainis...

Nakakabato...

Friday, July 22, 2005

21 days to go...

3 more weeks na lang at lalabas na si Sean Linus, pray ko lang na sana maging safe ang panganganak ko at healthy sya. di na ako masyadong nakakatulog sa gabi at palagi ng sumasakit ang likod ko. sana di ako mahirapan this time unlike with my daughter sobrang tagal akong naglabor at sobra akong nahirapan.

halos okay na ang lahat ng mga gamit nya, yong mga lampin na lang at ibang receiving blankets ang kinakailangang plantsahin. nabili na rin namin sya ng mga bottles nya just in case kailangan.

be a good boy our li'l angel. mommy, daddy and ate Andrea love you very much!!!

Tuesday, July 19, 2005

kailan kaya?

Naku. magdadalawang buwan na hindi pa rin dumadating ang katulong namin, sabui with in ten days maaayos ang visa nya pero hanggang sa ngayon wala pa rin. Naka-ilang biyernes na rin ang lumipas pagtinatanong namin, ang sasabihin darating na ngayong friday pero ala pa rin.

Una nagkaproblema sa maid's visa nya kasi wrong spelling ang surname nya.

The second time na ipinasa sa immigration, nasilip na nacancel pala sya dati kaya nagchange passport sya kaya nadelay na naman.

At hanggang sa ngayon ang palaging sinasabi ay "okay na!" pero wala pa rin sya.

Sana nga ay tumama man lang ngayong friday dumating na nga sya.

Kasi kung hindi para makapaghire na ng iba!

HIndi lang naman sya ang pwedeng makuha, marami din dyan kaso nga lang nagtiwala kami kasi ang naka-usap namin na nagtratrabaho sa agency ay kaibigan at kakilala sya.

Wala na ring kwenta kung dumating sya after one month pa, kung kelan nanganak na ako, eh di sna yong perang binili namin sa visa at ticket nya ay nanganak na rin ng kunting tubo sa bangko!

Sana naman maayos na ang lahat...

Kahit hirap ako sa sobrang laki na ng tyan ko at may toddler pa akong malikot kinakaya na lang ng powers ko ...akala ko pa mandin darating sya kaagad para makapagpahinga man lang ako...andami kung mga maling akala...sana maayos na!

At sana worthy naman ang paghihintay namin sa kanya!

Sunday, July 17, 2005

sa wakas...

At last, 2 days more to go andito na ang kapatid ko, sa dinami-dami ng mga nangyari sa kanya bago matapos lahat ng mga kailangan nyang lakarin sa Pinas para makarating sya dito sa amin, natapos din. napakadali dito mag-apply ng kahit na anong visa wag lang ang visiting visa for brothers kasi bawal yan ngayon pero ang problema naman ay sa Pinas.
"Welcome to Doha unkyel Nonoy" sabi ni Princess:)

Saturday, July 09, 2005

weekend treat")

We went to City Center to catch up with some friends and it's the birthday of Princess godfather; had a dinner at Applebee's and headed to the movie theater to watch War of the Worlds...Yes! for the first time we let our 21 months old daughter to watch a movie, yon nga lang sci-fi pa at hindi cartoons. Buti na lang hindi sya umiyak and she let daddy Nath to carry and hug her and sometimes sat beside ate jelay or transfer to me again. Natapos din namin yong movie pero parang bitin yong ending and how come that Tom Cruise was able to use a car while yong other cars di umaandar? Parang may kulang but the effects were great. In a scale of 10, i'll rate it with 8.

Monday, July 04, 2005

Bakit na lang ganon ang tao, kahit sino kapamilya man o hindi, akala nila na pag nasa abroad ka sobrang dami ng iyong pera di man lang mag-isip na ang daming sinakripisyo para man lang medyo guminhawa ang buhay kahit nasa malayo. Akala mo napupulot lang ang pera sa kalsada, kung manghingi, manghiram or worst magdemand akala mo isa kang bangko o may pinatago silang pera sa iyo.

Di man lang mag-isip na pag ang tao may isang pamilya na dapat unahin nya ang kinabukasan ng mga anak nya. Isa pa, minsan makikita mo na may mga sigurista talaga, halos hatakin nya lahat para sa kanya di man lang mag isip. Ang dami kung gustong gawin kaso sa ngayon di pa talaga pwede, kelan kaya ako makakapag trabaho ulit para may matatawag akong sariling ipon para kahit papano anuman ang mangyari maging sigurado din ang bukas ng mga anak ko.

At isa pa, ang hiram ay magka-iba sa bigay, pero may mga taong nakakalimot na may hiniram pala sila o pilit na nililimot na lang para hindi magbayad. Sa akin lang kahit man lang magsabi na "oy! pwedeng sa susunod pa na taon o after 10 years namin kayo bayaran?". Nakaka-inis lang kasi may mga taong ganito, lista sa tubig kumbaga. Ang bilis magsabi na manghihiram o minsan nga boluntaryo pang pinapahiram kasi nangangailangan talaga pero hindi man lang mag-isip. Nakakadala. Kaya isang leksyon na dapat matutunan sa buhay, kinakailangan unahin din ang sarili kesa sa kapwa. Matutong magsabi ng "hindi" sa kapwa at huwag umasang maganda pa rin ang magiging pakikitungo nya sa iyo.

May mga taong nakakarma din dahil na rin sa pagiging masama ng kanilang mga ugali. Aaminin ko, ako hindi naman ganon kabuti pero di rin naman kasama, pero hindi ako kasing arogante ng aleng ito. Akala mo na napakabait sa una pero yon pala may bunto't at sungay din. Kahit simpleng tanong lang sa kanya na sanay'y simpleng sagot lang ang ibigay nya pero mahilig sya magpasaring. Ewan ko nga ba kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanya. Di rin naman kagandahan, ang pangit nya pero tingin nya sa sarili nya ganon sya kaganda.

Kung magsalita akala mo donya, kaya natatawa ako sa kanya ngayon dahil nakarma din sya. Paano ba ang pakiramdam ng isang taong parang pinagka-isahan ng mundo? Paano ba ang pakiramdam ng taong parang walang kasiguraduhan ang buhay lalo't may anak ka? Di ba nakakapraning din? Ang masasabi ko lang sa kanya, samsamin nya ang sensasyon ng karma!

Sandali na lang...

Sa wakas natapos ko na rin ang pag-oorganize ng mga gamit ni Sean Linus (ang magiging bago naming angel baby sa bahay). Dati tinago ko na lahat sa maleta ang mga baby clothes at mga iba pa nyang gagamitin kaso hindi pa rin naman pala kami makakalipat ng bahay kaya balik sa closet na naman lahat ng mga gamit. At least marami syang mga gamit mga pinaglumaan ni ate nya kasi halos lahat ng pinamili ko noon sa panganay namin ay pang-unisex kaya okay lang.

Sana maging maayos at madali ang panganganak ko ngayon unlike sa panganay namin na masyado akong pinahirapan, maglabor ba naman ako ng 14 hours! At isa pa ang mga nakabantay na mga Indianang nurse ay walang paki-alam kundi nakikipag tsismisan lang sa ibang nurse na dumadaan. nakatatlong shift ako ng mga nurses at halos silang lahat ay walang silbi. Ang hirap talaga dito sa bansang ito, hindi pwede ang asawa o kahit na sinong kapamilyang babae na magbantay sa'yo habang nanganganak ka.

Okay naman ang mga gamit nila dito sa hospital yon nga lang kasi Arab country kaya hindi pwedeng nasa tabi mo ang yong hubby habang ume-ere ka. Di rin pwedeng magrequest na mag pa caesarean ka not unless na kailangan talaga.

On the positive side, walang bayad ang manganak dito kahit pa caesarian, wag ka lang papalagay sa private room after delivery. On our first born, private room yong kinuha ni Nath kaya ayon anlaki ng binayaran namin, parang nagpa-caesarian na sa Pinas. Pero okay na lang kasi sulit naman kasi alaga ka talaga pati ang baby and most of the nurses Pinay pa kaya okay lang.

Pray ko lang talaga na mas madali at walang anumang komplekasyon ang panganganak ko at safe and healthy ang baby namin...

HIndi lahat ng gusto natin ay nangyayari ayon sa kagustuhan natin. Hanggang ngayon inaantay namin ang kinuha naming maid and until now hindi pa rin lumalabas ang visa nya. Malay ba namin na may problema palang haharapin.

Noong unang lumabas yong visa nya mali naman ang spelling ng apelyido nya but worst nong binalik na sa immigration ang papeles nya na cancel pala sya kaya she has to do some errands in the Pinas para maayos ang gusot.

It's nearing its second month mula ng i-process ang pagkuha sa kanya at hanggang ngayon wala pa rin. Kung hindi lang nakaka-awa naman sa part nya i would rather get another maid na lang kaso nagkagastos na rin sya kasi lumuwas na sya ng Manila.

Sana pagdating naman nya dito maayos sya para worthy naman ang effort pati ang perang ginastos sa kanya.

Sunday, July 03, 2005

Nakakamiss...

Sarap umuwi sa Pinas, how i wish na pwedeng mag jeep lang at ayan na ako kaso sobrang layo...hay! kelan kaya ako makakatikim ulit ng...

--lechon baboy
--lechon kawali
--buko pandan
--buko pie
--kumain sa Jollibee at Greenwich
--sinigang na baboy
--bibingka
--suman at latik
--ube jam
--alimango
--hilaw na mangga na isawsaw sa bagoong alamang
--kumain ng aratiles
--halo-halo
--puto at dinuguan



kelan kaya ako ulit makakapagtalampisaw habang bumubuhos ang ulan? dalawang beses lang dito umulan at di ka naman pwede mag enjoy dahil may kasamang alikabok.

kelan kaya ako ulit makaka-akyat ng bundok at lumanghap ng sariwang hangin?

nakakamiss ang makipagtsikahan sa mga dating kaibigan ng hanggang magdamagan...

nakakamiss ang company ng mga matatawag kong totoong kaibigan, kupara dito wala masyado akong kaibigan kasi halos lahat ng mga tao plastik...

kelan kaya ako makakapag rest feeling ko pagod na pagod na ang katawan ko...

hay! buhay abroad...


kelan kaya?

Drooling...

How I wish to have this.