Wednesday, September 07, 2005

Akala ko ba sa maid namin ay may experience na sa trabaho nya, galing na rin sya sa Singapore at nagtrabaho na rin dito dati sa middle east pero bakit parang walang alam sa paglilinis o sa trabaho nya sa pangkalahatan?

Nakaka-irita yong turo ka ng turo sa kanya kung paano gagawin ang mga gawaing bahay tapos di naman pala pumapasok o tumitimo sa isipan nya! Sa tanada nyang yan na halos doblehen ang edad ko bakit parang wala man lang syang kaalam-alam.

Pagkarating nya binigyan ko na sya kaagad ng oryentasyon sa mga gawaing bahay, papaano nya gagawain ang ibang mga gawaing bahay sa level ng linis na gusto ko pero parang sinusubukan nya yata ang pasensya ko...

Mahigit isang buwan na sya sa bahay pero sa kalimitan kinakailanagang paulit-ulit na sabihan ko pa sya. Ganon ba kapurol ang utak nya? naka-abot naman sya ng high school pero kahit na yong iba nga dyan na halos wala talagang pinag-aralan may utak kung papaano nila gagawain ang trabaho nila. Mas maganda kung ginagamitan ng utak kahit sabihing katulong ka lang pero por jus paganahin mo naman ang utak mo!

Kaya pala may mga nabubogbog na mga katulong din dito sa middle east lalo na kung mga arabo pa ang amo, kung kaparehas nga sa kanya ang makuhang katulong, lalo na at yong mga yon ay kulang sa pasensya at gusto ura urada ang pagkilos mo.

Hindi ko naman sinasabi na maging katulad sya o kasimbilis ni dash sa mga trabaho nya sa bahay pero ganon na siguro sya makupad kung kumilos. isa pa hindi sya marunong magluto. minsan parang nakikinita ko na parang ako na amo nya na lang palagi ang magluluto ng pagkain namin. Siguro sa una, okay lang yon, tinuturo ko naman sa kanya kung papano lulutu-in ang pagkain o anong klaseng luto pero sa katagalan ako'y ini-inis nya.

kung hindi nga lang masyadong malaki gastos namin sa kanya ay ngayon mismo papalayasin ko na sya, at cancel pa para matuto at hindi na makabalik sa bansang ito for 2 years. kaya lang ayoko namang maging ganong kasama . kaya i'm giving her a more time na sana naman ay matuto na sya.

tama ba namang maglaba sya na pinaghalo ang puti sa de kolor! mama mia! sa tanda nyang yon hindi kailangan ko pa rin syang turuan ng tamang paraan ng paglalaba at nakita naman nya na magkaiba na nga ang lagayan ng mga labahing de kolor at puti at ng mga dapat na i-hand wash lang. hay! kayo ba naman magkaroon ng ganitong katulong tingnan nyo lang kung di rin tumindig balahibo nyo sa inis...

isa pa, ayoko ng nagbabait-baitan lang, pag nandyan kami sa harap nya maamong tupa sya sa anak ko pero minsan pag sila lang dalawa lumalabas na rin ang kulay nya. minamatyagan ko lang sya, at wag lang nyang hintayin na mahuli ko sya na may gawin sya na labag sa kalooban sa anak ko at makikita nya ang hindi pa nya nakikita.

halos lahat ng paraan ng paggawa nya kailangan pa syang ikorek! simppleng paghihiwa ng mga gulay tama ba naman na isama pati yong mga tinanggal mo na ngang dulo ng okra? at kung magtrabaho sya masyadong salaula!

hay naku! sana nga matuto sya at wag ako daanin sa mga ngiti at tawa nya.

siguro naman dapat sumunod sya sa gusto namin, oo , alam kung galing sya sa isang rural na lugar, siguro nga iba talaga ang mga pamamaraan ng pagtrabaho sa bahay nila pero kung sinasabihan ka naman o tinuturuan ng tamang pamamaraan then why not? bakit di ka matuto?

lahat naman ng ikagagaan ng trabaho nya ay sinasabi namin sa kanya tulad na lang ng pagllagay ng sistema sa pagtratrabaho nya sa bahay kaso bupol talaga!

at isa pa lahat ng mga konsiderasyon binibigay namin sa kanya in short hindi kami masamang employer sa kanya, tulad na lang ng mga pansarili nyang mga toiletress, sabon, toothpast, shampoo, ultimo napkin nya binibigay namin sa kanya at least man lang makatulong na yon an hindi na nya mabawasan ang sahod nya at ma-ipon nya kaso siguro di man lang nya yon na-iisip para galingan nya trabaho nya sa bahay.

at kahit anong kinakain namin yon din ang pagkain nya, di kami tulad ng ibang amo na tinitipid ang mga katulong nila at tratong kasambahay ang trato namin sa kanya di katulong...sana man lang tumimo ito sa isipan nya.